visit my friendster site or mail me at jayrodriguez81@yahoo.com www.friendster.com/balongersi AND myspace layouts »

Sep 15, 2008

Dubai Tower With Rotating Floors

Sep 14, 2008

Ang Misteryosong Louis Vuitton II

Nag-aantay si kuya ng bus. Nang makasakay na sya nagkataon naman na may babae na may LV, hindi daw nya alam kung ano ang kanyang gagawin kasi nakatingin sa bag ni kuya ang babaeng may LV. Hindi mapakali si kuya, nang biglang mag-ring ang kanyang telepono. Hindi nya alam kung sasagutin nya ba ang tawag o hindi. Meron kasi syang inaasahang isang important call, na hindi maaaring ma-miss. Isa lang ang ibig sabihin nun, kailangan nga talaga nyang buksan ang bag para lang makuha ang telepono. Hindi na nya ininda kung ano ang iisipin ng babae na may LV basta ang imortante ay masagot nya ang tawag. Putsa wrong number pala. Inis na inis daw si kuya...imbes na nananahimik sya sa isang sulok yakap ang kanyang bag, para lang hindi lalong tumingin yung babae, eh napilitan tuloy syang buksan ng dahil sa lintik na fon kol na yan. Pagdating nya sa bahay ay ikinuwento nya nga ang nangyari, tumawa lang kami ng tumawa. Abangan pa ang mga susunod na kabanata.......

Sep 13, 2008

Ang Misteryosong Louis Vuitton

Si Hari ang unang nakakita ng Bagong Louis Vuitton Bag ko kahapon, tapos tinanong nya kung kanino ito. Sabi ko akin, Obyus ba, nakasabit sa balikta ko! hindi mo mawari ang kanyang mukha dahil parang gusto nyang bumulaslas sa tawa. Kaya hindi ko mapigilang tanungin sya, kung bakit bungisngis ang kanyang inosenteng face. Mukha daw kasing pang-babae yung bag, sabi ko sa kanya eh hindi, mukha lang yan pang-babae kaya lang pang lalaki talaga yan at tsaka sosyal yan, Kahit tignan mo sa catalog.

Sa isip isip ko, pang-lalaki talaga, dahil talagang nakita ko sa website. Yun nga lang hindi mo maiiwasan kung minsan na mag-isip ang ibang tao, kasi nga, usually ang mga gumagamit lang ng bag ng Louis Vuitton at puro mga babae, na mayayaman, lalo na yung mga cabin crew ng Etihad Airways. Sus maryusep, lahat na yata ng mga nakita kong crew nila ay may gamit na LV.

Sabi ko sa sarili ko, last chance, tatanungin ko si evita kung talaga ngang pang-babae. Hindi ko lang alam kung type nya rin yung bag kaya and sabi nya ay pang-babae nga daw and design, nyaaaaaaaaaak.

Punyeta, ano ba ito, ang mahal mahal pa man din ng bili ko doon. Pauwi na ako ng gabi, at naisip ko na ang daming tao sa mall, baka naman pag naglalakad ako eh pag-tinginan at kung ano na naman ang isipin nila. hehehe. Kaya inagaw ko na lang yung hawak hawak ni hari na plastic bag na sana ay lalagyan nya ng baunan at saka ko isinilid sa loob yung LV Bag. Ang problema ay wala ng plastic bag si hari, kaya nag-bolountaryo ako sa loob na lang ng Louis Vuitton Bag nga ilagay yung baunan nya.

Nasa loob na kami ng bus, kaya naman inilabas ko na sa loob g LV yung baunan at saka ko ibinigay sa kanya. Tawa kami ng tawa dahil nga sa LV na yan, eh ako naman ay nanghihinayang kasi hindi ko na yun magagamit lagi, siuro sa mga espesyal na okasyon na lang na puro mga VIP ang kasama ko hehehehe.

Pag-dating ko sa bahay eh tinanggal ko lahat ng laman ng aking LV, laking gulat ko, dahil may mga basa basa sa loob ng bag, shit!!! tumapon pala yung ulam ni hari mula sa kanyang baunan, HUHUHUHU, alam nyo yung kinakain ng mga Nepali na kulay dilaw, hindi ko alam kung anong tawag nila dun, basta, maamoy na masili-sili pah.

So nilinis ko yung bag at saka itinago sa aparador.

Maagang pumasok sa dyuti ang aking pinsan. Nasorpresa na lang ako noong dumating sya, gamit gamit nya yung bag na inaasar asar nya kagabi bwahahahaha. At dahil sa LV na yan may part two ang kwento ko.......abangan

Mga Kakaibang Kombinasyon

Sigurado akong nakakain ka nang tuyo at kamatis..gamit ang iyong kamay.. kapag hindi pa..eh di nagkakamali ako. Masarap na combination ang tuyot kamatis, tapsilog o maskilala sa tapa sinanggag at itlog, mangga at bagoong, at marami pa. Pero marami din akong alam na kakaibang pagpartner nang pagkain..


champorado at tuyo.. best results when eaten during signal number 3-10 


Patis and rice.. actually okay lang ito, kaso ginagawang sabaw nang pinsan ko yung patis kaya kadiri.


indian mango dipped in toyo,sili, at asin


extra gravy and extra rice (sa Popeyes lang may gravy, kaya lang mahal ang kanin)


pancit canton with rice


My Different Kinds of Prens Part Two

Palito Iilan lang yan sa mga nicknames nang susunod nating blind item. Kung titignan mo siya..magtataka ka kung bakit bangkay ang tawag sakanya.. pero masasabi mo nga talagang mukha siyang palito, para kasing hindi pinapakain nang magulang niya..kawawa naman. Masaya kasama tong taong ito, tignan mo lang siya..matatawa ka na. A very funny guy they say, kahit hindi siya magsalita napapatawa niya ang isang tao..powers nya ata iyon. Pero wag mo din mamaliitin tong taong ito, ganyan ganyan lang yan pero mabait yan at nakakakot magalit.

Saka na yung iba, at ako ay inaantok na.

My Different Kinds of Prens Part One

Ang "Sugo" ay ang kalbong kaibigang laging lumilitaw pag may lakwatsa ang barkada.. Ito ang tipong mahilig magpalibre dahil ayaw gumastos, nagtitipid upang makarenta ng chinese niya. Ang mga sugo ay mahilig din magtapat ng pag-ibig sa crush nila kapag sila'y lasing, at sisigaw sigaw ng "I'm fucking drunk! I'm in love with you.. Drunk men never lie" every 5 minutes. Malaki rin nga pala ang boobs ng sugo (Note: Lalaki ang Sugo). Isa sa mga advantage ng may kaibigang Sugo ay ang libreng Gatas galing sa man boobs nito, ngunit kailangang lagyan ng nutella, dahil medyo maalat-alat pa ito, dahilan na rin sa hinde pagligo.

Nariyan din naman ang kaibigang palageng nandyan para sayu, ikanga a friend that is always there for you. Mas kilala siya sa aming barkada sa palayaw na "keso", siya ang laging takbuhan nang barkada tuwing kinakailangan nang kotseng panglakwatsa. May oras pa ngang handang handa na ang barkada para pumunta sa mall at maglakwatsa.. ngunit hindi pa nila naitatanong kund pwede ang kotse ni "keso", ang palagi nilang nasa isip ay palage namang pwede ang kotse ni keso.. nang tinawagan nila si keso kung pede ba kameng umalis.. ang sagot ni keso ay oo, solve!  Ang mga "keso" ay mga taong mas lalong kilala bilang mga taong napaka-galante pag dating sa mga chix, todo bigay yan..lalo na pag maganda ung chicas. Ngunit etong "keso" na to, sobrang mahiyain din naman paminsan pagdating sa mga chix, sayang ang pagkamagandang lalake. Pero kahit ganun, malakas pa din tama nang mga chix sa kanya.

Masayang magkaroon nang isang kaibigang bakla, lalo na kung ito ay makulit. Palagi sigurong tawanan ang buong barkada pag may kasamang bakla na napakakulit at napakalakas magpatawa. Ngunit ang isang taong ito..na-itatago na lang naten sa pangalang.. JUAN CARLOS CASTRO..para hinde sya makilala..para na rin sa kanyang privacy., ay hindi naman yung tipong baklang lage nakapagpapatawa nang barkada dahil sa kakulitan nya..kaya sayang. Ngunit masarap tong pagtripan..todo laugh trip kada napagttripan ito nang barkada. Kahit hindi namen siya kasma..siya pa din ang topic namen. Kahit saan, kahit anong pinaguusapan. Siya ung tipong tao na magaling magluto, has a fashionable sense of awareness(tama ba ung phrase?ewan), magaling sa babae(nakakarelate kasi..they share the same crushes and problems with love life sa mga boys). Pero masasabi kong..boring siguro ang barkada pag wala kayung gantong uri nang kaibigan. 

Ang Dilim ay isang kaibigang maasahan.. lalo na tuwing gabi.. dahil kapag gabi ay invisible na ito. isasara lamang niya ang kanyang bibig at ipipikit ang kanyang mata ay invisible na siya (Note: glow in the dark ata ang kanyang eyeballs at ipin) Pwede na siyang magnakaw ng shawarma sa gitna ng gabi kapag si Sugo ay gutom na.

Mga Bagay Na Nakakaasar

  1. Nananahimik ka lang, nagdodownload ng pri muvi sa sendspace, tapos biglang lumabas, VIRUS DETECTED TROJAN downloader. Putang ina yan.
  2. Parang may malaking kulangot sa ilong mo, tapos nangulangot ka, hindi mo naman nahanap, nakalmot mo pa yung loob ng ilong mo kasi mahaba kuko mo. yan. tangina, dumugo.
  3. Tatalon ka ng building, tapos may gagong naglalakad papuntang trabaho na nadaganan mo, siya tuloy namatay. tarantado e noh? hindi tumitingin sa taas.. tanga tanga.. 
  4. Tumatae ka. Tapos tumawag crush mo, sinabi ng pinsan mong maliit, "tumatae si kuya e"
  5. Taeng-tae ka na. Tumakbo ka pauwi.. nakaabot ka nga, nasa loobka ng CR, tapos di mo mabuksan yung button ng pantalon. Anak ng Tipaklong.
  6. Nag-order ka sa Burger King ng burger, sabi mo walang gulay. Pag uwi mo, nakita mo meron -- Una: mumurahin mo yung gagong nagbigay sayo. Pangalawa: tanga ka pala e, dapat chineck mo bago ka umalis. bobo
  7. Naligo ka nung umaga, nagdeodorant pagkatapos. Nung hapon, may katabi kang PATAN.. simunghot singhot ka pa, TANGINA ikaw pala yun. Punyetang deodorant. it let you down.
  8. Nagiinuman kayo sa bahay ng kaibigan mo. Madaling araw na, tagay pa rin. Naubos na yung beer, may isang natira. nag-agawan pa kayo at nagsuntukan. Ikaw ang nanalo, nakuha mo yung beer.. tapos pag inom mo, ma-asim asim at mainit init. go figure..bwahahaha
  9. Nadapa ka habang naglalakad. tangina, enough shame na yan..
  10. Gumawa ka ng isang entry sa blog mo na akala mo ay nakakatawa.. tapos ang unang comment sayo. CORNY.. nice 

Sep 12, 2008

Yakkks Ipis


Walang Katapusang Pangiipis

Hindi ka ba nababanas sa mga ipis dito sa Abu Dhabi? Anlalakas ng attitude problem, sobrang aangas.Malayong malayo sa mga ipis sa Philippines na mahiyain, konserbatibo, at marunong magtago pag may nakikitang tao. Dito dumating ka na’t lahat sa bahay, dedma pa din. Tuloy tuloy lang sila sa kung anong pinagkakaabalahan nilang gawin. Para tuloy ako ang nakikitira, nakikisama at sila ang nagbabayad ng buwanang renta sa bahay. ‘Eksyusmi, parang ako yata nagbabayad ng renta dito’.

May kakaibang ugali ang mga ipis sa tinitirhan namin ngayon. Mahilig makinood ng tv. Sabi sa Google, ganun lang daw talaga, attracted ang mga ipis sa screen ng tv. Imposibleng ganun lang ‘yun. Kulang na nga lang ipalipat sakin ‘yung channel. ‘Krrt… krrtt… Badoodles, madaling araw na, palipat nga sa channel 100, ‘yung may bold’.

Pano ba gigiyerahin ang lahi ng mga ipis? Waepeks na kasi ang paggamit ko ng Pifpaf spray. Binabalewala lang ng mga ipis ang spray kaya tinigilan ko na din. Pag nag-iispray ako, para lang silang mga adik na tumatakbo paikot-ikot ng kabahayan pero di naman namamatay. Immune na yata. Mamya makikita mo pang nag-oorgy sa harapan mo na parang nasa taunang Woodstock concert sa Amerika. Taenang mga totnakerong sanamabits. Tinigilan ko na ang pagbili ng Pifpaf. Ano sila sinusuwerte? Ako tagabili ng pampa-high nila. Kung gusto nilang magpakaadik, bumili sila ng sarili nilang Pifpaf spray.

Ano ba talagang silbi ng mga ipis? Bakit ba sila ginawa ng Diyos? Alam naman ng Diyos na ‘bad’ sila at wala silang ibang pupuntahan pag namatay kundi sa impiyerno lang.

10 Bagay na Kinakakatukat ng mga Lalake

Eto ay hango sa mga totoong pangyayari at karanasan ng aking mga kaibigang lalaki.

1. Lola na naka-plunging neckline at naka-sexy shorts na pagala-gala sa mga malls.

2. Maging shaggy hair.  ‘Yung sa gilid na lang ng ulo tinutubuan ng buhok.

3. Babaeng palaka.  Palakain.  Palautos.  Palasaway.  (Palakan… , hinde nakakatakot ‘’yun, okay ‘yun)

4. Hindi na tigasan ang pototoy.

5. Malaman na kumerengkeng sa iba ang asawa nila.

6. Thinning hair.  Ang pagnipis ng buhok na kelangang suklayin lengthwise na parang si Donald Trump ng The Apprentice.

7. Matinik sa lalamunan at mamatay sa katakawan.

8. Makatanggap ng death threat habang nagmamasturbate.

9. Mabulag dahil sa kaka-masturbate.

10. Ma-basted.

Sep 11, 2008

Mamang Tsuper ng Tawasul Taxi

Kanina, eh hindi ako nahirapan na kumuha ng taksi.  Pagbaba ko pa lang ng building namin eh may napara agad ako.  Nagulat ako kasi pinoy yung tsuper.  At eto pa, unang araw nya daw ngayon, kaya naman, ganadong ganadong magmaneho, taga la union sya, sa bacnotan.  Habang binabagtas namin ang daan patungong marina mall, panagkwentuhan namin yung kanyang kita o diya kikitain sa pag mamaneho.  Sabi nya, british daw ang nag-hire sa kanila sa pilipinas, pinangakuhan daw sila ng Dhs. 1000 basic plus commision na kung saan sana eh makukuha nila sa excess ng boundary nila which is Dhs 250. That means pag-naka 400 sila sa isang araw minus ng gasolina eh may around 150 sila plus pa nga yung basic.  

Kaya lang nag-bago ang lahat nang dumating na sila dito sa abu dhabi.  Sabi ng kumpanya nila, ang daily commision daw nila times isang buwan ay yun na ang kanilang sweldo, kung ano pa man ay hindi umabot ng Dhs1000, eh dadagdagan na lang daw ng kumpayan para mabuong isang libo, nyak sabi ko. eh wala naman daw silang magawa, kasi nga naman gumastos na sya sa placement ng around 45 thousand pesos para lang makapag-abroad.

Kung minsan nga daw, namumulot na lang sila ng kapwa driver nya ng mga lata ng softdrinks para lang maibena at maidagdag sa kita nila, ang kilo ay Dhs.5   Minsan daw ay umaabot sila ng 20 kilos kung talagang kakaririn nila.  

Wala naman akong magawa kundi maawa lang sa kanyang kwento, may 3 anak na si mamang tsuper at buntis pa ang iniwang asawa, haaaaaaaaaay. Ang Buhay nga naman.  Kaya sa isip isip ko, talagang maswere na tayo, at hindi na nating kailangan pang mamulot ng lata ng softdrinks para lang may pandagdag kita. maswerte tayo at 9 na oras lang ang trabaho natin , kumpara sa halos 16 oras na kanilang pagmamaneho.

Hindi ko nga namalayan nasa Marina Mall na pala ako, sa awa ko, hindi ko na lang kinuha yung sukli sa kanya. Laking tuwa nya kahit na katiting lamang yung sukli. Kung ma-pera lang sana ako at that time eh baka dinagdagan ko pa, eh kaya lang wala din ako eh hehehe.

o sige mga kaberks, sa susunod uli, akoy inaantok na. Sana na lang eh kinapulutan nyo ng aral ang kwento ko ngayon, at sa susunod na makasakay kayo ng pinoy na taxi driver, eh bigyan nyo na lang ng kaunting tip kahit papaano.  Hanggang sa muli.

Ang Mga Katutubo ng Mockamore Marina Mall

Sa mga kaibigan ko na nagtatanong kung saan na ako nagtatrabaho ngayon, eh dito na po ako sa Mockamore Marina Mall, isa itong Coffee Shop na muna sa Holland.

Huwag nyo nang alamin ang mga pangalan nila.  Sila ay ilan lamang sa mga katutubo na inyong masisilayan kung sakaling madaan kayo sa aming tindahan.








Sep 10, 2008

Marina Mall Swimming Pool este Skating Rink pala



I was on my way to work kanina Sept. 09, nang ako ay lubos na nasorpresa dahil sa aking nakita, noong una eh akala ko ay swimming pool lang iyon pero hindi pala, yun pala yung ice skating rink ay dine-frost na naman. Hayyyy naku, ilang taon nang ginagawa yang rink rink na yan.  Tanda ko pa, hindi pa gawa yung tindahan namin (mockamore) eh abala na silang ginagawa ang naturang rink.  Pati nga yung ski slope, na hindi rin matapos tapos.  Nag-dry run na sila dati, akala nga namin eh tuloy tuloy na yung opening.  Sabi ni eh mag-oopen daw after one month, hehehe, yung one month nila eh naging one year, sobra sobra pa.  

Ano na lang kay ang iisipin ng mga taga abu dhabi na nagagawi sa marina mall.  Sabi ko nga, mas mabuti na lang na gawin na lang pa-slide-an yung slope at food cour na lang yung skating rink, eh di mas ok pa, bawas pa sa expenses nila sa pag-papayelo yelo na yan.  hayaan nyo at babalitaan ko ulit kayo kung ano na naman ang pinag-gagagawa nila dun.


Sep 8, 2008

Ang Babae na Namimili ng Pasalubong a Carrefour


How many weeks na ang nakakaraan nang may nakasabay akong Filipina sa pila sa kahera (cashier) nang Carrefour dito sa Marina Mall. Nagtaka ako dahil sandamakmak na sabong Lux ang kanyang pinamili at kasalukuyang binabayaran noon. Inisip ko na paborito niya ang brand nang sabong iyon o kaya naman ay may ari siya nang isang paupahang gusali at eksklusibo ang sabon na ginagamit doon.


Habang nasa pila, tumingin siya sa akin at nginitian ako. Hindi ko napigilan na magtanong, pero hindi naman ako tsismoso, mahilig lang ako mag obserba.


Ako: Bakit ang dami mong biniling sabon?

Siya: Uuwi kasi ako sa Pilipinas.

Ako: Pasalubong?

Siya: Oo (sabay ngiti).

Ako: Bakit puro sabon?

Siya: Para mura lang pambigay sa mga kamag anak.

Ako: Hindi ba mayroon din sa ating ganyang sabon?

Siya: Iba ang Lux na sabon dito.

Ako: Mas mabango?

Siya: Hindi naman. Arabic kase ang nakaimprenta sa balot nang sabon. Imported.

Ako: Aaaah.


Bigla akong napaisip. Sa totoo lang, hindi naman lahat ng lahi ay sanay na magpasalubong. Pero likas na sa mga Filipino ang maging maalalahanin.Ang mga Filipino, galing man sa ibang bansa o hindi, ito ay isang kaugalian na para bang napakalaking kasalanan kung dadating ka na wala kang bitbit man lang. Bigla ko tuloy naalala ang mga kamag anak at kaibigan ko na nagbigay nang pasalubong sa akin. Ang isang tito ko na nanggaling sa amin(baguio), binigyan ako nang iilang suman. Naisip ko mayroon din naman noon doon sa greenhouse. Pero iba ang lasa nang suman na galing talaga doon. Mayroon ding nagpasalubong sa akin ng keychain, at alak.


Sa tuwing naaalala ko ang kwento nang sandamakmak na sabong Lux, lumalambot ang puso ko. Sabi nga niya, iyon ang binili niya sapagkat iyon ay murang pasalubong (at syempre may sulat na ibang lengguwahe!) sa kagustuhan niyang mabigyan ang lahat nang kamag anak nya. Hay. Masuwerte ang mga taong walang limitasyon sa pananalapi, na mabibili niya kung anuman ang naisin niyang ipampasalubong. Sky is the limit. Subalit paano kung limited ang budget nila?
Lalo akong nakakarelate ngayon sa kwento ng pagpapasalubong nang ako ay nasa ibang bansa na. Sapagkat ako ay uuwi sa March para magbakasyon, ako ay nagsisimula nang maglista nang ipapasalubong ko sa mga piling tao. Iyon lamang maaalala ka at maisama sa listahan nang pasasalubungan ay nakakataba na nang puso. Doon mo pala marerealize kung sino ang unang naiisip mo at ang mga taong hindi mo magagawang kalimutan.
Kaya ikaw (at ako rin!), it doesn’t matter kung ano ang matatanggap mo. It’s really the thought that counts. Kaya nga ba, bibili na ako nang maraming maraming sabong Lux bilang preparasyon sa pag uwi ko. Heehee. Biro lang.


May naisip ka bang kwentong tungkol sa pasalubong? Ano ba ang magandang ipasalubong sa mga kamag anak, kaibigan, at iba pa?

Mga Cab Driver na Pinoy sa Abu Dhabi

Dahil sa pagpasok ng ibat ibang foreign workers, ang gobyerno has devised a new transportation system. eto lang, buses were introduced with designated routes, numbered as 32,5,7,and 54. The great thing in this country is that when a new service line is being introduced, it’s gratis. So the buses would be servicing the commuters for free in until the end of this year. Sana forever na lang.
Also the old cabs are being phased out. Kaya naman pakonti ng pakonti na sila. The same way that the government phases out old buildings (unlike in the Philippines that old buildings are presumably regulated, substance over form, until the building actually collapsed hahahaha). Majority of the cab drivers are Pakistanis and Indians who actually are here for almost a decade and some more than a quarter of century, that left their home to make a living through driving (un lang ang alam gawin). I am thinking and would definitely be amazed to find out that they do profit from these as drivers. As you probably know, there’s a pool of oil in the Gulf. Hence oil, gas and electricity are oddly 90% cheaper here than in the Philippines. With that, they are collecting an average of AED 5 (PhP60) per route. Sounds like Philippines’ rate? A PhP25-route is actually possible here. That’s in Abu Dhabi. Remember, in Dubai cabs are skyrocketly metered. It’s almost 300% higher there. Unbelievable, but true. Now you can draft your analytics how the cost of living differs between the two emirates.

Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa mga old cab drivers. Siguro eh magaaply din sila sa bagong taxi companies o di kaya eh uuwi na lang. The franchise to operate new taxis are awarded to seven companies last year. Phase out plan will be for three years which already started. The new cabs metering is 25% higher than the old ones. With the benefit of well-groomed driver (in a uniform) and of course the new car/unit. The drivers of these new cabs are Indians, Nepalis and Pakistanis in a better version (if you know what I mean).
And here’s the unexpected news-turned-live reality. One of the seven companies which were awarded a franchise actually hired 200 Filipinos to be drivers. There are 50 of them hitting the road by now, may mga nakita na ba kayo?.


My random thoughts:
Increase in OFW attributable to Filipino cab drivers
Filipinos were preferred by Tawa-Sul Car Company because they (a) are responsible (b) are most hygienic of all nationalities (c) have most agreeable rate to the car company (d) whatelse?
As these kababayans hit the road soon they’ll be surprised that there’s (a) no traffic in Abu Dhabi, 2 minutes IS heavy traffic (b) a disadvantage if you have a dog nose (like me!) that you should refrain breathing from the nose or else you’re gonna die from the human pollution (ah, um, ang baho talaga nung iba!) (c) that they’d wish Filipino lang ang passengers nila
They should learn the basic Arabic, Hindi, etc., i.e. directions at least
Kabayan, more than hitting the road with care, you should treat your passengers and other drivers (car owners and cab drivers) so well. Especially if it’s a local. Kahit ikaw ang tama, wala kang laban sa batas nila. As in.


Long live Abu Dhabi, mababango na ang mga cab drivers. Drive so carefully.

Sep 7, 2008

Catching the Abu Dhabi Free Bus Service

...is a nightmare. It's Ramadan, and i have to take the free bus to go to work. Why? because, taxi's usually dont take passengers heading to marina mall from 5pm onwards. If you have to work at six, you should be leaving your place as early as 4pm in order to get to the nearest bus stop and hop into the 4:30 service, if you miss it, then sorry, because the next trip is like 7:20, so you're late. The nightmare does not end there, once you get your seat (if you're lucky) people from different walks of life, starts conversing at their own languages, talking about different topics, some talks about rent increase, some about their loans others about their boss and so much more. It is so irritating specially when you are sweaty wet because of the very humid weather.

So I switch on my mp3 player and listen to the songs that ive downloaded 5 hours ago. hoping that no more passengers will hop in. Im just wondering, why do the driver keeps on getting passengers even though the bus is about to explode. Whew its really jammed pack that you cannot even breath properly because of the very pungent and putrid aroma (hehehe) coming out from the bodies of the ever industrious laborers.

After 45 minutes of gruesome ride, bus no. 32 finally arrived to its destination, Marina Mall. Yehey, people starts to run down from the bus, rushing, and i dont know why, as if the bus will self detonate in 10 seconds and they have to do whatever it takes to save their lives hahaha.

I hope some concerened people from the department of transport will read this blog and add some more bus 32 so everybody using this service will be freed from physical and mental abuse.

Sep 6, 2008

Boyce Avenue Photos


















Sep 3, 2008

Boyce Avenue Music Videos (youtube)

Music Videos From YOUTUBE























Boyce Avenue Song Lyics

Song Lyrics

Sep 2, 2008

About The Boyce Avenue and Their Musics (free download)


The kid who made this is from a group called Boyce Avenue, from Florida, that consists of him, his 2 brothers and one of their friends. And they're not even my usual cup of tea in the music world, but I'm amazed with the voice and the style of music.

So sometimes, I get a desire to hear a certain song, so I usually search YouTube until I find the music video and play it from there. While I was searching for Jordin Sparks' and Chris Brown's No Air yesterday, I stumbled upon a cover for the song. I usually love covers on YouTube. Love to watch for about 10 seconds, feel sorry for the poor person making it who typically is pretty pathetic and then move on. But I really like this cover. , I've listened to it/watched it about 20 times and counting. So much that I couldn't fall asleep last night because the song was in my head. I kept expecting his voice to hit an awkward note as he got higher and higher, but it is all amazing.


Here are few of my files that you can download and enjoy. But please, before you even start clicking those
links, take some time to click those adverts on the left side of the page,so ill be inspired to post more
updates about the boyce avenue band.

Beautiful Girls - Download
Bleeding Love - Download
Find Me - Download
Hate That I Love You - Download
Lovestoned - Download
Say - Download
So Much Time - Download
So Small - Download
Sweetest Girl - Download
Take You There - Download
Tatoo,No One, Where Is The Love - Download
Umbrella - Download
With You - Download
Without You Here - Download