Walang Katapusang Pangiipis
May kakaibang ugali ang mga ipis sa tinitirhan namin ngayon. Mahilig makinood ng tv. Sabi sa Google, ganun lang daw talaga, attracted ang mga ipis sa screen ng tv. Imposibleng ganun lang ‘yun. Kulang na nga lang ipalipat sakin ‘yung channel. ‘Krrt… krrtt… Badoodles, madaling araw na, palipat nga sa channel 100, ‘yung may bold’.
Pano ba gigiyerahin ang lahi ng mga ipis? Waepeks na kasi ang paggamit ko ng Pifpaf spray. Binabalewala lang ng mga ipis ang spray kaya tinigilan ko na din. Pag nag-iispray ako, para lang silang mga adik na tumatakbo paikot-ikot ng kabahayan pero di naman namamatay. Immune na yata. Mamya makikita mo pang nag-oorgy sa harapan mo na parang nasa taunang Woodstock concert sa Amerika. Taenang mga totnakerong sanamabits. Tinigilan ko na ang pagbili ng Pifpaf. Ano sila sinusuwerte? Ako tagabili ng pampa-high nila. Kung gusto nilang magpakaadik, bumili sila ng sarili nilang Pifpaf spray.
Ano ba talagang silbi ng mga ipis? Bakit ba sila ginawa ng Diyos? Alam naman ng Diyos na ‘bad’ sila at wala silang ibang pupuntahan pag namatay kundi sa impiyerno lang.
1 comments:
alangya hehehehe, besfren jay, ala ka na naman magawa sa bahay at pati ipis natin naikukuwento mo na hehehe...nung isang linggo lang eh puro sabon na lux tinira mo hahaha...swerteng lintek na IPIS yan nabida ba sa blog site mo hehehe....in fairness sa mg KASAMBAHAY-IPISAN...maliliit sila ha hehehe d tulad sa pinas na magugulat ka sa laki nila hehehe...may malaki man d2 sa basura mo lang makkta na tumatambay at sumisiga at high sa pifpaf spray mo hahaha...tumawag ka na kasi ng IPIS-BUSTER ng lumagay na sa tahimik ang mga hinayupak na kapalmuks na nakikinuod na IPIS sa TV nyo hehehe...GoodLuck sa pag-REST-IN-PEACE sa mga "UR FRIEND" IPIS...hahahah....
Post a Comment