visit my friendster site or mail me at jayrodriguez81@yahoo.com www.friendster.com/balongersi AND myspace layouts »

Sep 13, 2008

Ang Misteryosong Louis Vuitton

Si Hari ang unang nakakita ng Bagong Louis Vuitton Bag ko kahapon, tapos tinanong nya kung kanino ito. Sabi ko akin, Obyus ba, nakasabit sa balikta ko! hindi mo mawari ang kanyang mukha dahil parang gusto nyang bumulaslas sa tawa. Kaya hindi ko mapigilang tanungin sya, kung bakit bungisngis ang kanyang inosenteng face. Mukha daw kasing pang-babae yung bag, sabi ko sa kanya eh hindi, mukha lang yan pang-babae kaya lang pang lalaki talaga yan at tsaka sosyal yan, Kahit tignan mo sa catalog.

Sa isip isip ko, pang-lalaki talaga, dahil talagang nakita ko sa website. Yun nga lang hindi mo maiiwasan kung minsan na mag-isip ang ibang tao, kasi nga, usually ang mga gumagamit lang ng bag ng Louis Vuitton at puro mga babae, na mayayaman, lalo na yung mga cabin crew ng Etihad Airways. Sus maryusep, lahat na yata ng mga nakita kong crew nila ay may gamit na LV.

Sabi ko sa sarili ko, last chance, tatanungin ko si evita kung talaga ngang pang-babae. Hindi ko lang alam kung type nya rin yung bag kaya and sabi nya ay pang-babae nga daw and design, nyaaaaaaaaaak.

Punyeta, ano ba ito, ang mahal mahal pa man din ng bili ko doon. Pauwi na ako ng gabi, at naisip ko na ang daming tao sa mall, baka naman pag naglalakad ako eh pag-tinginan at kung ano na naman ang isipin nila. hehehe. Kaya inagaw ko na lang yung hawak hawak ni hari na plastic bag na sana ay lalagyan nya ng baunan at saka ko isinilid sa loob yung LV Bag. Ang problema ay wala ng plastic bag si hari, kaya nag-bolountaryo ako sa loob na lang ng Louis Vuitton Bag nga ilagay yung baunan nya.

Nasa loob na kami ng bus, kaya naman inilabas ko na sa loob g LV yung baunan at saka ko ibinigay sa kanya. Tawa kami ng tawa dahil nga sa LV na yan, eh ako naman ay nanghihinayang kasi hindi ko na yun magagamit lagi, siuro sa mga espesyal na okasyon na lang na puro mga VIP ang kasama ko hehehehe.

Pag-dating ko sa bahay eh tinanggal ko lahat ng laman ng aking LV, laking gulat ko, dahil may mga basa basa sa loob ng bag, shit!!! tumapon pala yung ulam ni hari mula sa kanyang baunan, HUHUHUHU, alam nyo yung kinakain ng mga Nepali na kulay dilaw, hindi ko alam kung anong tawag nila dun, basta, maamoy na masili-sili pah.

So nilinis ko yung bag at saka itinago sa aparador.

Maagang pumasok sa dyuti ang aking pinsan. Nasorpresa na lang ako noong dumating sya, gamit gamit nya yung bag na inaasar asar nya kagabi bwahahahaha. At dahil sa LV na yan may part two ang kwento ko.......abangan

1 comments:

Unknown said...

hahaha, ayaw mo kasi maniwala eh na pang-GIRLALUSH chuva enish ang LV, yan tuloy, bihira mo na magagamit ang LV Bag mo hahahah.....kasi naman nung una palang kita un eh tlagang pang-babae ang design, alangan naman sa bawat tao na makakasalubong mo at titingin sa LOUIS VUITTON mo eh sasabihn mo "Hoy pang-LALAKI eto kahit tignan mo pa sa website ng LV", hay naku eh pano if wla silang internet o di kya eh hindi sila marunong gumamit ng internet, pano mo na dedepensahan na pang-BOYlets nga ang ITITCHHH na bag at wallet mo...heheheh.....buti na lng un LV Wallet nakusuksuk sa pantalon kaya hindi halata hehehe....halata lang pag un counter cashier sa bayaran eh babae, talagang titignan ka at iisipin ay iba...hehehe...GOODLUCK besfren JAY.....