visit my friendster site or mail me at jayrodriguez81@yahoo.com www.friendster.com/balongersi AND myspace layouts »

Sep 11, 2008

Mamang Tsuper ng Tawasul Taxi

Kanina, eh hindi ako nahirapan na kumuha ng taksi.  Pagbaba ko pa lang ng building namin eh may napara agad ako.  Nagulat ako kasi pinoy yung tsuper.  At eto pa, unang araw nya daw ngayon, kaya naman, ganadong ganadong magmaneho, taga la union sya, sa bacnotan.  Habang binabagtas namin ang daan patungong marina mall, panagkwentuhan namin yung kanyang kita o diya kikitain sa pag mamaneho.  Sabi nya, british daw ang nag-hire sa kanila sa pilipinas, pinangakuhan daw sila ng Dhs. 1000 basic plus commision na kung saan sana eh makukuha nila sa excess ng boundary nila which is Dhs 250. That means pag-naka 400 sila sa isang araw minus ng gasolina eh may around 150 sila plus pa nga yung basic.  

Kaya lang nag-bago ang lahat nang dumating na sila dito sa abu dhabi.  Sabi ng kumpanya nila, ang daily commision daw nila times isang buwan ay yun na ang kanilang sweldo, kung ano pa man ay hindi umabot ng Dhs1000, eh dadagdagan na lang daw ng kumpayan para mabuong isang libo, nyak sabi ko. eh wala naman daw silang magawa, kasi nga naman gumastos na sya sa placement ng around 45 thousand pesos para lang makapag-abroad.

Kung minsan nga daw, namumulot na lang sila ng kapwa driver nya ng mga lata ng softdrinks para lang maibena at maidagdag sa kita nila, ang kilo ay Dhs.5   Minsan daw ay umaabot sila ng 20 kilos kung talagang kakaririn nila.  

Wala naman akong magawa kundi maawa lang sa kanyang kwento, may 3 anak na si mamang tsuper at buntis pa ang iniwang asawa, haaaaaaaaaay. Ang Buhay nga naman.  Kaya sa isip isip ko, talagang maswere na tayo, at hindi na nating kailangan pang mamulot ng lata ng softdrinks para lang may pandagdag kita. maswerte tayo at 9 na oras lang ang trabaho natin , kumpara sa halos 16 oras na kanilang pagmamaneho.

Hindi ko nga namalayan nasa Marina Mall na pala ako, sa awa ko, hindi ko na lang kinuha yung sukli sa kanya. Laking tuwa nya kahit na katiting lamang yung sukli. Kung ma-pera lang sana ako at that time eh baka dinagdagan ko pa, eh kaya lang wala din ako eh hehehe.

o sige mga kaberks, sa susunod uli, akoy inaantok na. Sana na lang eh kinapulutan nyo ng aral ang kwento ko ngayon, at sa susunod na makasakay kayo ng pinoy na taxi driver, eh bigyan nyo na lang ng kaunting tip kahit papaano.  Hanggang sa muli.

1 comments:

Unknown said...

aba besfren jay, dapat lang na magbigay ka ng tip sa pinoy taxi drivers natin, naka-LOUIS VITTON (LV) ka ba naman tapos makkta ng driver ala kang tip, DYAHE d ba??? hehehe...Hhhhmmm, magkano ba ang tip mo sa kawawang pinoy na taxi driver, Dhs1.00 o Dhs.2 dhs hehehe, naiintriga ako sa tip mo kasi sabi mo maliit lang dahil wala kang pera hehehe...pwede ka banag wlang pera sus-ginoo eh LV wallet mo...dapat sosyal ka to-da-maxxx ever tsubalubs...ehehehe ok sya sya sige repapips, in the sake of secrecy, wag u na i-reveal un tip hehehe para makaulit un kabayan natin syo...hehehe