visit my friendster site or mail me at jayrodriguez81@yahoo.com www.friendster.com/balongersi AND myspace layouts »

Sep 8, 2008

Ang Babae na Namimili ng Pasalubong a Carrefour


How many weeks na ang nakakaraan nang may nakasabay akong Filipina sa pila sa kahera (cashier) nang Carrefour dito sa Marina Mall. Nagtaka ako dahil sandamakmak na sabong Lux ang kanyang pinamili at kasalukuyang binabayaran noon. Inisip ko na paborito niya ang brand nang sabong iyon o kaya naman ay may ari siya nang isang paupahang gusali at eksklusibo ang sabon na ginagamit doon.


Habang nasa pila, tumingin siya sa akin at nginitian ako. Hindi ko napigilan na magtanong, pero hindi naman ako tsismoso, mahilig lang ako mag obserba.


Ako: Bakit ang dami mong biniling sabon?

Siya: Uuwi kasi ako sa Pilipinas.

Ako: Pasalubong?

Siya: Oo (sabay ngiti).

Ako: Bakit puro sabon?

Siya: Para mura lang pambigay sa mga kamag anak.

Ako: Hindi ba mayroon din sa ating ganyang sabon?

Siya: Iba ang Lux na sabon dito.

Ako: Mas mabango?

Siya: Hindi naman. Arabic kase ang nakaimprenta sa balot nang sabon. Imported.

Ako: Aaaah.


Bigla akong napaisip. Sa totoo lang, hindi naman lahat ng lahi ay sanay na magpasalubong. Pero likas na sa mga Filipino ang maging maalalahanin.Ang mga Filipino, galing man sa ibang bansa o hindi, ito ay isang kaugalian na para bang napakalaking kasalanan kung dadating ka na wala kang bitbit man lang. Bigla ko tuloy naalala ang mga kamag anak at kaibigan ko na nagbigay nang pasalubong sa akin. Ang isang tito ko na nanggaling sa amin(baguio), binigyan ako nang iilang suman. Naisip ko mayroon din naman noon doon sa greenhouse. Pero iba ang lasa nang suman na galing talaga doon. Mayroon ding nagpasalubong sa akin ng keychain, at alak.


Sa tuwing naaalala ko ang kwento nang sandamakmak na sabong Lux, lumalambot ang puso ko. Sabi nga niya, iyon ang binili niya sapagkat iyon ay murang pasalubong (at syempre may sulat na ibang lengguwahe!) sa kagustuhan niyang mabigyan ang lahat nang kamag anak nya. Hay. Masuwerte ang mga taong walang limitasyon sa pananalapi, na mabibili niya kung anuman ang naisin niyang ipampasalubong. Sky is the limit. Subalit paano kung limited ang budget nila?
Lalo akong nakakarelate ngayon sa kwento ng pagpapasalubong nang ako ay nasa ibang bansa na. Sapagkat ako ay uuwi sa March para magbakasyon, ako ay nagsisimula nang maglista nang ipapasalubong ko sa mga piling tao. Iyon lamang maaalala ka at maisama sa listahan nang pasasalubungan ay nakakataba na nang puso. Doon mo pala marerealize kung sino ang unang naiisip mo at ang mga taong hindi mo magagawang kalimutan.
Kaya ikaw (at ako rin!), it doesn’t matter kung ano ang matatanggap mo. It’s really the thought that counts. Kaya nga ba, bibili na ako nang maraming maraming sabong Lux bilang preparasyon sa pag uwi ko. Heehee. Biro lang.


May naisip ka bang kwentong tungkol sa pasalubong? Ano ba ang magandang ipasalubong sa mga kamag anak, kaibigan, at iba pa?

1 comments:

Anonymous said...

hahahaha