visit my friendster site or mail me at jayrodriguez81@yahoo.com www.friendster.com/balongersi AND myspace layouts »

Sep 14, 2008

Ang Misteryosong Louis Vuitton II

Nag-aantay si kuya ng bus. Nang makasakay na sya nagkataon naman na may babae na may LV, hindi daw nya alam kung ano ang kanyang gagawin kasi nakatingin sa bag ni kuya ang babaeng may LV. Hindi mapakali si kuya, nang biglang mag-ring ang kanyang telepono. Hindi nya alam kung sasagutin nya ba ang tawag o hindi. Meron kasi syang inaasahang isang important call, na hindi maaaring ma-miss. Isa lang ang ibig sabihin nun, kailangan nga talaga nyang buksan ang bag para lang makuha ang telepono. Hindi na nya ininda kung ano ang iisipin ng babae na may LV basta ang imortante ay masagot nya ang tawag. Putsa wrong number pala. Inis na inis daw si kuya...imbes na nananahimik sya sa isang sulok yakap ang kanyang bag, para lang hindi lalong tumingin yung babae, eh napilitan tuloy syang buksan ng dahil sa lintik na fon kol na yan. Pagdating nya sa bahay ay ikinuwento nya nga ang nangyari, tumawa lang kami ng tumawa. Abangan pa ang mga susunod na kabanata.......

0 comments: