visit my friendster site or mail me at jayrodriguez81@yahoo.com www.friendster.com/balongersi AND myspace layouts »

Sep 13, 2008

My Different Kinds of Prens Part One

Ang "Sugo" ay ang kalbong kaibigang laging lumilitaw pag may lakwatsa ang barkada.. Ito ang tipong mahilig magpalibre dahil ayaw gumastos, nagtitipid upang makarenta ng chinese niya. Ang mga sugo ay mahilig din magtapat ng pag-ibig sa crush nila kapag sila'y lasing, at sisigaw sigaw ng "I'm fucking drunk! I'm in love with you.. Drunk men never lie" every 5 minutes. Malaki rin nga pala ang boobs ng sugo (Note: Lalaki ang Sugo). Isa sa mga advantage ng may kaibigang Sugo ay ang libreng Gatas galing sa man boobs nito, ngunit kailangang lagyan ng nutella, dahil medyo maalat-alat pa ito, dahilan na rin sa hinde pagligo.

Nariyan din naman ang kaibigang palageng nandyan para sayu, ikanga a friend that is always there for you. Mas kilala siya sa aming barkada sa palayaw na "keso", siya ang laging takbuhan nang barkada tuwing kinakailangan nang kotseng panglakwatsa. May oras pa ngang handang handa na ang barkada para pumunta sa mall at maglakwatsa.. ngunit hindi pa nila naitatanong kund pwede ang kotse ni "keso", ang palagi nilang nasa isip ay palage namang pwede ang kotse ni keso.. nang tinawagan nila si keso kung pede ba kameng umalis.. ang sagot ni keso ay oo, solve!  Ang mga "keso" ay mga taong mas lalong kilala bilang mga taong napaka-galante pag dating sa mga chix, todo bigay yan..lalo na pag maganda ung chicas. Ngunit etong "keso" na to, sobrang mahiyain din naman paminsan pagdating sa mga chix, sayang ang pagkamagandang lalake. Pero kahit ganun, malakas pa din tama nang mga chix sa kanya.

Masayang magkaroon nang isang kaibigang bakla, lalo na kung ito ay makulit. Palagi sigurong tawanan ang buong barkada pag may kasamang bakla na napakakulit at napakalakas magpatawa. Ngunit ang isang taong ito..na-itatago na lang naten sa pangalang.. JUAN CARLOS CASTRO..para hinde sya makilala..para na rin sa kanyang privacy., ay hindi naman yung tipong baklang lage nakapagpapatawa nang barkada dahil sa kakulitan nya..kaya sayang. Ngunit masarap tong pagtripan..todo laugh trip kada napagttripan ito nang barkada. Kahit hindi namen siya kasma..siya pa din ang topic namen. Kahit saan, kahit anong pinaguusapan. Siya ung tipong tao na magaling magluto, has a fashionable sense of awareness(tama ba ung phrase?ewan), magaling sa babae(nakakarelate kasi..they share the same crushes and problems with love life sa mga boys). Pero masasabi kong..boring siguro ang barkada pag wala kayung gantong uri nang kaibigan. 

Ang Dilim ay isang kaibigang maasahan.. lalo na tuwing gabi.. dahil kapag gabi ay invisible na ito. isasara lamang niya ang kanyang bibig at ipipikit ang kanyang mata ay invisible na siya (Note: glow in the dark ata ang kanyang eyeballs at ipin) Pwede na siyang magnakaw ng shawarma sa gitna ng gabi kapag si Sugo ay gutom na.

0 comments: